Pangulong Duterte, hindi pa kumpirmadong dadalo sa 100th birthday ni dating Pang. Marcos

By Isa Avedaño-Umali September 08, 2017 - 03:07 PM

Hindi pa tiyak kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-isang daang taong kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa September 11.

Nabatid na mayroong isasagawang programa para sa birthday ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani o LNMB sa Taguig City.

Namahagi na rin ng imbitasyon si dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan.

Sa brefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa kanyang pagkakaalam ay nasa Davao City si Duterte sa Lunes o mismong araw ng kaarawan ni Marcos.

Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas ang Malakanyang na official schedule ni Duterte para sa Lunes.

Nauna nang idineklara ni Duterte ang September 11 bilang isang special non-working holiday sa Ilocos Norte, bilang pag-alala sa birth anniversary ni Marcos.

Matatandaan din na mismong si Duterte ang pumabor na maihimlay na si Marcos sa LNMB, na umani naman ng kabi-kabilang puna.

At kamakailan lamang ay inanunsyo ni Duterte na nagpahayag daw ang pamilya Marcos ng kahandaang isauli sa gobyerno ang ilan sa kanilang ill-gotten wealth.

TAGS: 100TH Birthday Ex President Marcos, ill gotten wealth, ilocos norte, president duterte, 100TH Birthday Ex President Marcos, ill gotten wealth, ilocos norte, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.