Matapos ang lindol sa Mexico, coastal communities sa Pacific Ocean inalerto ng Phivolcs

Inalerto ng Phivolcs ang mga residente na naninirahan sa coastal communities sa mga lalawigan sa bansa na nasa bahagi ng Pacific Ocean.

Ito ay matapos tumama ang magnitude 8.2 na lindol sa Chiapas, Mexico alas 12:49 ng tanghali oras sa Pilipinas.

Ayon sa Phivolcs, ang malakas na lindol ay maaring magdulot ng destructive tsunami na maaring tumama sa coastalines sa mga bansang malapit sa epicenter.

Sa abiso ng Phivolcs, ang mga residente ng sumusunod na lalawigan ay pinayuhan na mag-antabay sa susunod nilang update:

Nilinaw naman ng Phivolcs na wala pang ipinatutupad na evacuation sa nabanggit na mga lugar.

 

 

Read more...