Bakit ako? – Chiz

June 08, 2015 - 06:53 AM

sen chiz escudero smiling
Inquirer file photo

Ang taumbayan ang nagpapasya kung sino ang kanilang iboboto sa halalan.

Ito ang pahayag ni Senator Francis “chiz” Escudero makaraang ibunton ng Liberal Party sa kanya ang pagkatalo ni Secretary Mar Roxas sa vice presidential race noong 2010 elections.

Tinawanan lamang ni Escudero ang alegasyong ni LP member at Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na ang pag-endorso niya kay Vice President Jejomar “Jojo” Binay ang nagpatalo kay roxas.

Ayon kay escudero,  hindi niya alam kung saan nagmumula ang pagsama ng loob ni Abad at ng LP sa kanya.

Dagdag pa ni Escudero, sa ngayon ay hindi pa siya sigurado kung tatakbo sa 2016.

Gayunman, sakali aniyang magpasya siyang tumakbo sa mas mataas na pwesto,  mas nanaisin niya pa ring tumakbo bilang isang independent candidate.

Si Escudero ay dating miyembro ng Nationalist People’s Coalition ngunit  kumalas ito noong 2009 at nagpasyang maging independent candidate.

 

Sa isyu ng  underspending ng gobyerno 

Hindi matanggap ni Senator Chiz Escudero kung bakit may umiiral na underspending sa kabila ng pangangailangan na gastusan ang mga proyekto ng pamahalaan.

chiz escudero frowning
Inquirer file photo

Isa sa sinasabing dahilan ng mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng bansa ay ang “underspending” ng gobyerno.

Sinabi ni Escudero na chairman ng Committee on Finance ng senado, kataka-taka na may nakalaan nang pondo gayung wala pang nasisimulang proyekto ang ilang kagarawan.

Partikular na tinukoy ng Senador ang Department of Education na naglaan na ng isang taong pasweldo sa kukunin pa lamang na tatlumpung libong guro.

Wala pa ring napasisimulang dagdag na classrooms ang DepED dahil ngayon lamang taon nakuha ang 40 percent ng data mula sa ibat-ibang probinsya.

Bukod sa DepEd,  tinukoy din ni Escudero DOTC at DND na kabilang sa mga kagawaran na mabagal sa pag-gastos ng pondo para sa  proyekto habang pinakamabilis naman ang DPWH at DSWD. / Jimmy Tamayo

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.