Faeldon handa nang magpahuli sa Senado ayon kay Sen. Gordon

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2017 - 09:44 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Kusa nang nagpa-aresto sa senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kasabay ng pangakong haharap sa hearing ng senate blue ribbon committee sa Lunes, September 11.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senator Richard Gordon, chairman ng komite, nakatanggap sila ng mensahe mula sa kampo ni Faeldon at sinabing handa syang “magpahuli” ngayong araw.

Ibinigay umano ni Faeldon sa committee secretary ng blue ribbon kung saang lugar siya naroroon at sinabing maari na siyang hulihin.

“Ipinatawag kong pilit si Faeldon, at haharap na raw, aatend na daw, mukhang magpapahuli ngayong araw na ito. Nagpasabi siya sa committee secretary na nandito siya sa ganitong lugar, hulihin niyo ako at darating siya sa Lunes,” ayon kay Gordon.

Sinabi ni Gordon na marami pa silang gustong malaman kay Faeldon kaya ikinadismaya ng komite ang hindi nito pagsipot sa mga nagdaang pagdinig.

Sa pagharap nito sa hearing sa Lunes, kabilang sa aalamin kay Faeldon ay ang tungkol sa mga ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na mga opisyal sa ahensya na tumatanggap ng lagay.

Kailangan din aniyang sabihin nI Faeldon sa senado kung sino-sino sa customs ang alam niyang nagpapalabas o nagpapapasok ng ilegal shipment kapalit ng malaking halaga.

 

 

 

TAGS: Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer, Richard Gordon., Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer, Richard Gordon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.