Ilang lansangan apektado ng reblocking sa QC, Caloocan at Pasig

By Isa Avendaño-Umali September 08, 2017 - 09:38 AM

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga road reblocking sa iba’t ibang kalsada sa Quezon City, Caloocan at Pasig.

Ayon kay DPWH-National Capiital Region Director Melvin Navarro, epektibo ang road repairs simula alas-11:00 ng gabi ng Biyernes (September 8) hanggang alas-5:00 ng umaga ng Lunes (September 11).

Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:

QUEZON CITY AT CALOOCAN

  • ikalawang lane, southbound ng A. Bonifacio Avenue, mula Dome Street hanggang Sgt. Rivera
  • ikalawang lane, southbound ng Mindanao Avenue mula Tandang Sora sa harap ng Shell gas station
  • ikatlong lane, southbound ng EDSA mula Kainigin Road hanggang Dario bridge
  • trunk lane, southbound ng E. Rodriguez Jr. Avenue, paglagpas ng Greenmeadows Avenue at paglagpas ng Boni Serrano Flyover
  • ikalawang lane, northbound ng C.P. Garcia Avenue mula University Avenue hanggang Maginhawa Street
  • northbound ng Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Avenue
  • northbound ng Quirino Highway corner La Mesa Dam Road

PASIG

  • southbound ng C-5 Road, malapit sa Julia Vargas
  • northbound ng Manila East Road, sa harap ng SM East Ortigas

Dahil sa mga nabanggit na road repairs, mula pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DPWH, mmda, Radyo Inquirer, repair, road reblockings, DPWH, mmda, Radyo Inquirer, repair, road reblockings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.