Shutdown sa nuclear power plants sa Florida ipinatupad na dahil sa Hurricane Irma
Bago pa man ang pagtama ng Hurricane Irma, nagpatupad na ng shutdown ang electricity generator na Florida Power & Light sa dalawa nilang power plants.
Ayon kay FPL spokesman Rob Gould, ito ay bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Irma.
Nasa 1.9 million na mga bahay ang sinusuplayan ng kuryente ng FPL.
Samantala, hinikayat na ni Florida Gov. Rick Scott ang mga residente na mag-evacuate bago pa man ang posibleng pagtama sa kalupaan ng Hurricane Irma.
Tinatayang aabot sa 500,000 katao sa South Florida ang sakop ng evacuation order ng pamahalaan.
Nananatili sa category 5 ang Hurricane Irma, pero sa susunod na mga oras ay inaasahang bababa na ito sa category 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.