1 pulis, 2 hitman, patay sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz September 08, 2017 - 08:21 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang pulis matapos salakayin ang bahay ng isang umano ay hitman sa Camarin, Caloocan

Si PO3 Junior Hilario ay tinamaan ng bala ng baril na pinaputok ng suspek na si Jayson Dela Cruz nang puntahan ng mga otoridad ang kaniyang tirahan sa bahagi ng Sampaguita Street sa Caloocan.

Si Dela Cruz ay hitman umano ng mga sindikato ng droga at ito ang inuutusan at binabayaran para patayin ang mga tulak ng droga na hindi nakakapag-remit sa sindikato.

Ayon kay Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, isinagawa ang operasyon bago mag-hatinggabi.

Nasa bungad ng team si PO3 Hilario at nang pasukin nila ang bahay ay nakaabang na pala si Dela Cruz at agad silang pinaputukan. Nadala pa sa ospital si Hilario pero binawian din ito ng buhay.

Nasawi din si Dela Cruz sa nasabing operasyon.

Samantala makalipas ang ilang oras, nagtungo naman ang mga operatiba ng Caloocan police sa Bagong Silang, Caloocan.

Tinarget naman nila ang kasamahang hitman ni Dela Cruz na si Mark Ian Herrera.

Napatay si Herrera sa nasabing operasyon.

Ayon sa Caloocan police, sina Dela Cruz at Herrera ay lagging tandem kung mag-operate sakay ng motorsiklo.

Sila umano ang ‘tumitira’ sa mga pusher na nabibigo nang makapag-remit sa sindikato na pinagkukuhanan nila ng ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bagong silang, caloocan city, camarin, hitman killed, po3 junior hilario, Radyo Inquirer, War on drugs, bagong silang, caloocan city, camarin, hitman killed, po3 junior hilario, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.