Mainit na panahon mararanasan pa rin ngayong araw dahil sa ridge ng high pressure area
Nakaranas ng maalinsangang panahon kahapon sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan.
Ito ay dahil sa umiiral na ridge ng high pressure area sa buong Luzon.
Ayon sa PAGASA, umabot sa 34.8 degrees Celsius ang natialang pinakamainit na temperature kahapon sa Metro Manila base sa record ng Science Garden sa Quezon City.
Ngayong araw, maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan at isolated na rainshowers lang ang aasahan sa buong bansa.
Sa Tuguegarao City at Metro Manila inaasahang aabot sa hanggang 35 degrees Celsius ang temperatura.
Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.