WATCH: Mahigit 100 arestado sa magdamag na Oplan Rody sa Caloocan
Arestado ang mahigit isangdaang katao makaraang maglunsad ng Oplan Rody sa iba’t-ibang bahagi ng Caloocan City sa nakalipas na magdamag.
Isinagawa ng Caloocan City police ang operasyon sa isangdaan at labingwalong barangay sa South Caloocan sa pamumuno ni Senior Superintendent Jemar Mondequillo.
Kabilang sa mga nadakip ang mahigit 100 katao na pawang lumabag sa City Ordinance ng lungsod gaya ng pag-inom sa kalsada at paglabas sa klaye ng walang suot na pang-itaas.
WATCH: Ilan sa mga naaresto sa isinasagawang “Oplan Rody” sa Caloocan City | @jongmanlapaz pic.twitter.com/DstMGFbp3j
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 7, 2017
Pinagsabihan ang mga naaresto at pinag-push bago pinayagang umuwi.
Mga lumabag sa city ordinance sa Caloocan pinag push up bago pinauwi | @jongmanlapaz pic.twitter.com/mIKHYAKrVa
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 7, 2017
Habang nasa 27 menor de edad naman ang dinala sa headquarters dahil sa paglabag sa curfew ordinance.
Ipinatawag ang mga magulang ng mga menor at pinagsabihan bago pinayagang umuwi.
Binalaan din sila na kapag muling naaresto ang kanilang mga anak ay kakasuhan na ng Caloocan police ang mga magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.