Mga kaso ng diarrhea sa Albay kontrolado na

By Kabie Aenlle September 08, 2017 - 04:24 AM

 

Napigilan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Oas sa Albay ang pagdami pa ng kaso ng diarrhea sa kanilang mga residente matapos nilang ipasara ang isang deep well sa Purok 3 sa Barangay Badian na hinihinalang pinagmulan ng kontaminadong tubig.

Albay provincial health officer-in-charge Dr. Antonio Ludovice Jr., nakumpirma nila sa mga laboratory tests na ang diarrhea na naranasan ng mga residente ay dahil sa amoebiasis, acute gastroenteritis dahil sa E. coli infection at intestinal parasitism.

Ayon kay Mayor Domingo Escoto Jr., nagpadala na ang pamahalaang panlalawigan ng water sanitation at fitlering machine sa apektadong lugar upang matiyak na mayroon silang malinis na maiinom na tubig.

Samantala, sinabi rin ni Escoto na tinutulungan nila ang mga pasyente sa kanilang bill sa ospital sa pamamagitan ng Philhealth.

Bukod dito, nabanggit niyang maaring makapagbigay din sila ng tulong pinansyal sa mga biktima.

Namigay na rin ang Department of Health Region 5 ng bote ng solution sa mga apektadong pamilya na maari nilang gamitin para ma-purify ang kanilang tubig at mapatay ang E. coli bacteria.

Matatandaang isang babae ang nasawi dahil sa diarrhea habang 25 percent ng 400 residente ng Purok 3 ang naospital dahil sa nasabing kontaminadong tubig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.