Hepe ng LTFRB-7, nagulat nang banggitin siya ni Trillanes sa pagdinig sa Senado

By Kabie Aenlle September 08, 2017 - 04:27 AM

 

Lubhang nagtaka ang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Central Visayas (LTFRB-7) nang bigla siyang mabanggit ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pagdinig ng Senado tungkol sa lumusot na P6.4 bilyong halaga ng shabu sa bansa.

Sa kasagsagan kasi ng pagdinig, tinanong ni Trillanes ang manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Mans Carpio kung kilala niya ang ilang personalidad kabilang na si LTFRB-7 Director Ahmed Cuizon, na itinanggi naman ng abogado.

Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Cuizon na tulad ng iba, kilala lang niya si Carpio bilang manugang ni Pangulong Duterte.

Gayunman, sa totoo lang aniya ay hindi niya mawari kung bakit mababanggit ni Trillanes ang kaniyang pangalan sa Senado.

Mismong si Atty. Carpio na rin aniya ang nagsabi sa pagdinig na hindi sila magkakilala.

Ayaw naman nang magbigay pa ni Cuizon ng anumang komento tungkol sa isyu dahil wala naman aniyang kinalaman ang kaniyang trabaho sa Bureau of Customs (BOC) na sentro ng imbestigasyon ngayon ng Senado.

Nagpasalamat rin si Cuizon sa mga sumusuporta sa kaniya at nag-alala para sa kaniya dahil sa isyu.

Samantala, itinanggi naman ni Carpio at ni presidential son Vice Mayor Paolo Duterte ang akusasyon sa kanila na pagkakasangkot sa katiwalian sa BOC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.