15 pang bihag hawak ng Abu Sayyaf sa Sulu

 

Aabot pa sa labinlimang bihag ang hawak ngayon ng abu Sayyaf group sa Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cerilito Sobejana, ang kumander ng Joint Task Force Sulu, ilan sa mga bihag ay pawang mga dayuhan.

Paglilinaw ni Sobejana, ang labinlimang bihag ay bukod pa sa bihag ng bandidong grupo sa bahagi ng Basilan.

Matatandaang kahapon ng umaga lamang, dalawang bihag na Indonesian ang nakatakas sa kamay ng bandidong grupo sa Sulu.

Bago narekober ang dalawang bihag, naka-engkwentro pa ng militar ang Abu Sayyaf kung saan lima sa kanilang hanay ang nasawi.

Read more...