4-way fight sa Presidential Race sa 2016-Osmeña

By Isa Avendaño-Umali September 06, 2015 - 02:05 PM

 

Inquirer file photo

Kumbinsido si Senador Sergio Osmeña III na magiging 4-way fight ang Presidential Race sa Eleksyon 2016.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Osmeña na aapat lamang ang tiyak na major candidates sa pagka-pangulo sa hahalan.

Ito aniya ay sina Senadora Grace, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Vice President Jejomar Binay at DILG Secretary Mar Roxas.

Sa apat na nabanggit, sina Binay at Roxas ang nag-anunsyo na ng kanilang kandidatura, habang sina Poe at Duterte ay walang pang kumpirmasyon.

“Aapat lang ang major candidates, sina Grace Poe, Digong Duterte, Mar Roxas, at Jojo Binay,” ani Osmeña.

Nang matanong kung sino ang ‘threat’ sa apat na politiko, sinabi ni Osmeña na mahirap magbigay ng prediksiyon.

Subalit batay aniya sa mga survey, numero uno pa rin si Poe, at sinundan lamang nina Binay, Duterte at Roxas.

Gayunman, malaki aniya ang posibilidad na magpalitan ng puwesto ang apat sa surveys, depende sa kani-kanilang kampanya at propaganda.

TAGS: 2016 elections, 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.