WATCH: Truck na may kargang semento, bumangga sa isang sasakyan sa Cainta, Rizal

By Mark Makalalad September 07, 2017 - 08:33 PM

Nagkalat ang mga semanto sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal makaraang matapon ang karga nito pasado alas dos ng hapon.

Bumangga kasi ito sa isang sasakyan habang papunta ng Soldiers village.

Ayon sa driver ng Toyota Vios na si Henry Asuncion, nagtataka syia sa biglang pagsalpok sa kanya ng truck.

Nasa 40 kmph lang daw kasi ang kanyang takbo.

Ayon naman sa mga nakasaksi na residente, masyadong mabilis ang takbo ng truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, warak ang harapang bahagi ng vios.

Tatlo naman ang naitalagang sugatan kabilang na ang 2 taong gulang na bata na pamangkin ng driver, nanay nito na si Elizabeth Asuncion at kanyang girlfriend na si Aleene Reofante.

Samantala, mabigat na daloy sa trapiko naman ang dinulot ng naturang aksidente.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

TAGS: Brgy. San Andres, cainta, Rizal, Brgy. San Andres, cainta, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.