Pagpapaliban sa Barangay at SK elections tutuldukan ng Kamara sa Lunes
Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pagpapaliban sa October 2017 Sangguniang Kabataan at Barangay Elections.
Ayon kay Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna na siyang tumatayong Chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform inaasahan nila na tuluyang itong maaaprubahan sa ikatlong pagbasa ng Kamara sa araw ng Lunes.
Matapos anya ito ay dadalhin sa bicam ang panukala.
Nais ng Kamara na isagawa ang barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng Mayo sa taong 2018 kasabay ng plebesito sa BBL at charter change.
Mananatili naman sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang barangay at sk officials hanggang sa mailuklok sa Mayo ng susunod na taon ang mga bagong opisyal.
Nakatakda ang Barangay at SK elections sa Oktubre ng kasalukuyang taon base sa batas na ipinasa noong nakalipas na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.