WATCH: Lalaki, patay matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Maynila

Nauwi sa madugo ang masaya sanang inuman ng biglang dumating ng dalawang riding in tandem.

Ang pangyayari ay nakunan ng CCTV ng Barangay 850 Pandacan.

Dito makikita na nakaupo sa ilalim ng isang tent ang dalawang lalake kabilang ang biktimang si Ronie Guimoro, 40 yrs old sa may bahagi ng West Zamora Pandacan.

Nang biglang dumating ang dalawang nakamotorsiklo, bumaba ang isa sa angkas ng ikalawang motor saka malapitang pinagbabaril si Guimoro.

Makikita din sa CCTV na tila na tulala ang kainuman ni Guimoro na nagtatakbo daladala ang isang bote ng alak.

Nang matiyak na napatay na ang biktima, bago umalis ang mga suspek ang angkas naman sa naunang motor ay tila may hinagis bago umalis.

Sa crime scene nakakita ang mga pulis ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Mariin naman itinaggi ng mga kaanak ng suspek na kay Guimoro ang nasabing shabu.

Si Guimoro ay dating tanod ng barangay, matapos magbagong buhay, nag-focus ito bilang mekaniko ng motorsiklo na kanyang pinagkakakitaan.

Narito ang buong report ni Jong Manlapaz:

Read more...