WATCH: I-ACT, nagsagawa ng ocular inspection sa Philcoa, QC

By Mark Makalalad September 07, 2017 - 08:07 PM

Nagsagawa ng ocular inspection sa kahabaan Philcoa at Quezon City Circle ang Inter-Agency Council for Traffic kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority.

Sa kasagsagan ng rush hour, mismong si I-ACT head at MMDA General Manager Tim Orbos pa ang nagmando ng trapiko.

Ayon sa kanya, napili ang Commonwealth dahil nabatid nila na bukod sa EDSA ay dito nagkakaroon ng mabigat na daloy ng mga sasakyan bunsod na rin ng ginagawang MRT 7.

Nabatid din daw nila na mayroon itong mga choke points partikular na sa mga lugar kung saan may simbahan.

Paliwanag ni Orbos, sisikapin nilang lumikha ng paraan sa commuters nang sa gayon ay mabawasan ang nararanasan nilang abala.

Maari naman daw kasing mabawasan o gumalaw ang trapiko sa lugar basta mayroon lamang tamang paglinya ng mga sasakyan.

Highway Patrol Group daw ang pangunahin na mangangasiwa sa pagpapatupad ng batas trapiko at tatagal ng 1 hanggang 2 linggo ang kanilang intensive campaign.

Makaraan daw nito, ay lilipat naman daw sila sa ibang lugar na mayroon ding congestion.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

TAGS: i-act, mmda, Philcoa, quezon city, Tim Orbos, i-act, mmda, Philcoa, quezon city, Tim Orbos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.