Imbestigasyon ng NBI sa Arnaiz at De Guzman killings tanggap ng PNP

By Chona Yu September 07, 2017 - 03:57 PM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan ang kanilang hanay sa ikakasang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kaugnay sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at kabigang si Reynaldo de guzman “Alyas Kulot”.

Tugon ito ng PNP sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang pagkamatay ng dalawa.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt Dionardo Carlos, welcome sa PNP ang desisyon ng pangulo na ipaubaya sa NBI ang imbestigasyon upang mapawi ang anumang duda na maimpluwensyahan ng mga pulis ang resulta ng imbestigasyon.

Si Arnaiz ay napatay ng mga pulis matapos umanong mangholdap ng isang taxi driver sa Caloocan City habang natagpuan naman ang bangkay ni de Guzman na tadtad ng saksak ang katawan.

Ang pagkamatay ng dalawang kabataan ay umani ng matinding pagkondena mula sa publiko at sa mga senador na nagsasagawa ng pagdinig kaugnay ng mga napapatay sa mga police operations.

TAGS: arnaiz, Carlos, de guzman, duterte, NBI, PNP, arnaiz, Carlos, de guzman, duterte, NBI, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.