Bangkay ni “Kulot” iuuwi na sa kanilang bahay

By Jan Escosio September 07, 2017 - 03:47 PM

Kuha ni Jan Escosio

Kinumpirma ng may-ari ng Dariz Funeral Home na si Gapan City Mayor Emerson Pascual ang nagbayad ng lahat para lang maiuwi na ang bangkay ni Reynaldo de Guzman “Alyas Kulot” sa Cainta, Rizal.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Ginang Marissa Pascual kahapon ay kinausap na siya ni Mayor Pascual hinggil sa kanyang tulong sa mga magulang ni “Kulot”.

Dagdag pa ni Pascual ang Amerikana na isinuot nila sa bangkay ng biktima ay pag-aari ng kanyang anak.

Aniya wala naman naging puna ang mag-asawang Eduardo at Lina sa naging hitsura ng kanilang anak.

Binanggit pa ni Pascual na ang naging problema ni Mang Eduardo sa serbisyo sa burol ng kanyang anak sa Cainta ay ipinaasikaso na rin ng kanilang mayor.

Pasado alas-sais ng umaga nang umalis ang mag-asawa sa Dariz Funeral Home kasama ang bangkay ng kanilang anak.

TAGS: caloocan city, dariz, Gapan, kulot de guzman, PNP, caloocan city, dariz, Gapan, kulot de guzman, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.