Sept. 11 idineklarang holiday sa Ilocos Norte para sa 100th birthday ni dating Pang. Marcos

By Isa Avendaño-Umali September 07, 2017 - 01:13 PM

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 11, 2017 bilang isang special non-working holiday sa Ilocos Norte.

Ang naturang petsa ay eksaktong ika-isang daang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa proclamation 310, ginawang isang holiday ang September 11 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Ilokano na ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ni Marcos at mga naging kontribusyon nito sa bansa bilang beterano ng World War II, mambabatas at dating presidente.

Matatandaang pinaburan ni Duterte na maihimlay ang bangkay ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sa kabila ng mga batikos at pagtutol.

Katwiran ni Duterte, bilang dating sundalo at pangulo ay marapat lamang na mailibing sa LNMB si Marcos.

At nitong nakalipas na mga araw, inanunsyo ni Duterte na nagpahayag na ang pamilya Marcos ng kahandaang isauli ang kanilang mga ill-gotten wealth.

 

 

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos, Holiday, Radyo Inquirer, september 11, Ferdinand Marcos, Holiday, Radyo Inquirer, september 11

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.