Empleyado ng Civil Service Commission, patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Marawi

By Chona Yu September 07, 2017 - 12:45 PM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Patay ang isang empleyado ng Civil Service Commission (CSC) habang sugatan ang isa pa matapos tamaan ng ligaw na bala sa labas ng Mindanao State University sa Brgy. Cadayunon, Marawi City.

Ayon Colonel Romeo Brawner, deputy ng task force Marawi, naganap ang insidente pasado alas 9:00 ng umaga.

Nakilala ang nasawi na Marvin Ablando na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo habang sugatan naman si Zandra Arnica Uzman na nadaplisan ng bala sa ulo.

Nasa loob ng sasakyan ang dalawa at pababa ng MSU nang tamaan ng ligaw na bala.

Isinugod ang dalawa sa Amai Pakpak Hospital sa Marawi City.

Ayon kay Brawner, hindi pa matukoy ng kanilang hanay kung anong uri ng bala ang tumama sa dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Maute Terror Group, Mindanao State University, Radyo Inquirer, Marawi City, Maute Terror Group, Mindanao State University, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.