Pangulong Duterte, walang balak makialam sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak at manugang

By Isa Avendaño-Umali September 07, 2017 - 12:37 PM

Kuha nI Ruel Perez

Muling iginiit ng Malakanyang na hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senado, kung saan nakaladkad ang pangalan ng anak nito si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Mans Carpio.

Inihayag ito ng Palasyo ngayong araw na nagpatuloy ang pagsisiyasat ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa P6.4 billion shabu shipment at isyu ng tara system sa Bureau of Customs o BOC.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagdali nina Vice Mayor Duterte at Carpio ay nagpapakita ng kahandaan nilang humarap sa Senate probe at personal na pabulaanan ang mga alegasyong ipinupukol laban sa kanila.

Ani Abella, makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang balak na makialam sa kontrobersiyang kinakaharap ng anak at manugang, dahil naniniwala siyang kayang-kaya ng dalawa na idipensa ang kanilang mga sarili.

Matatandaan din na inihayag ng presidente na kusa siyang magbibitiw sa pwesto, kapag nadawit sa katiwalian ang sinuman sa miyembro ng kanyang pamilya.

Makailang beses na nabanggit ang pangalan nina Duterte at Carpio sa Senate hearings, subalit kamakailan ay mismong ang customs broker na si Mark Taguba ang naglabas ng statement kung saan sinabi nitong hindi sangkot ang dalawa sa anumang kurapsyon sa BOC.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: customs, paolo duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, shabu shipment, tara system, customs, paolo duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, shabu shipment, tara system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.