Trillanes inakusahan si VM Paolo Duterte na miyembro ng drug triad
Inakusahan ni Senator Antonio Trillanes IV si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na miyembro umano ng triad.
Sa kaniyang pagtatanong sa bise alkalde sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate blue ribbon committee hinggil sa ‘Tara system’ sa Bureau of Customs (BOC), sinabi ni Trillanes na mayroon siyang intelligence information na si Paolo Duterte ay miyembro ng triad.
Tinanong ni Trillanes si Duterte kung mayroon itong ‘dragon-like’ tattoo sa likod na kinumpirma naman ni bise alkalde.
Ani Trillanes, batay sa impormasyong kaniyang nakuha, ang nasabing tattoo ang katibayan ng membership sa triad ni Duterte.
Tinanong pa nito si Duterte kung payag itong ipakita sa komite ang kaniyang tattoo sa likod.
Pero nag-invoke ng right to privacy si Vice Mayor Pulong.
Agad namang pinaalalahanan ni Senator Richard Gordon chairman ng komite ang mga senador na iwasan ang paglalahad ng mga spekulasyon.
Ayon kay Trillanes, hindi spekulasyon ang kaniyang inilahad dahil iyon ay base sa intelligence information.
Si Vice Mayor Pulong, kasama ang bayaw na si Atty. Mans Carpio ay humarap sa pagdinig para itanggi ang mga alegasyong sangkot sila sa anomaly sa Customs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.