CHR: Butas sa puso at baga ang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Kulot batay sa autopsy

Kuha ni Jan Escosio

Lumabas sa initial findings ng autopsy na isinagawa ng Commission on Human Rights kay Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman na butas sa puso at baga ang sanhi ng pagkamatay ng binatilyo.

Ayon kay Dr. Joseph Jimenez, medico-legal officer ng CHR, kung pagbabasehan ang larawan ng autopsy, makikita na may butas sa puso at baga si De Guzman.

Samantala, batay sa isa pang autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation, hindi pa nila madetermina kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng binatilyo.

Nabatid na makalipas pa ng dalawa o tatlong linggo bago nila mailabas ang kanilang findings.

Parehong hindi pa rin nababatid ng CHR at NBI kung ilan ng bilang ng saksak na natamo ni De Guzman.

Pero sinabi ni Dr. Carlomagno Yalung, medico-legal officer ng NBI, na maraming saksak si Kulot sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib.

Hindi pa nila mabatid ang eksaktong bilang dahil na-embalsamo na ang binatilyo at ang kanyang mga sugat ay natahi na.

Si De Guzman ang nakitang huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz bago mapatay sa isang shootout sa Caloocan City.

 

 

 

 

 

Read more...