Barko, mahigit 8 oras nang stranded sa karagatan ng Cebu matapos masiraan

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2017 - 10:22 AM

Photo from Franz Osalla

Ilang oras na na-stranded ang mga pasahero ng isang barko na biyaheng Cebu makaraang masiraan habang naglalayag.

Ang barko na pag-aari ng George and Peter Lines ay nakaranas ng engine trouble habang bumibiyahe galing Dapitan patungo sa Cebu.

Mula ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes ay stranded na ang barko sa karagatang sakop ng Dalaguete, Cebu at naghihintay ng rescue.

Ayon sa isa sa mga pasahero, na si Franz Osalla, nag-provide naman ng makakain ang crew ng barko para sa mga pasahero.

Samantala, sinabi ni Capt. Ben Amomonpon ng George and Peter Lines na patuloy ang pagkumpuni sa barko at mayroon na ring tugboat na patungo sa Dalaguete.

 

 

 

TAGS: boat, cebu, ferry, vessel, boat, cebu, ferry, vessel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.