Dalawang Indonesian na binihag ng Abu Sayyaf, nabawi na ng militar

Nabawi na ng militar ang dalawang Indonesian na una nang binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Nakilala ang dalawang dayuhan na sina Saparuddin Koni at Sawal Maryam.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, alas 6:30 ng umaga nang nang ma-intercept ang dalawang dayuhan sa Barangay Bunot, Indanan, Sulu

Sakay aniya ang dalawa ng isang Tamaraw FX.

Dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang dalawa para sa medical examination.

Matapos ito dadalhin sila sa headquarters ng Joint Task Force Sulu sa barangay Busbus.

Dinukot ang dalawa noong November 19, 2016 sa karagatang sakop ng Merabong sa Kunak District sa Sabah, Malaysia.

 

 

 

 

 

Read more...