Labingwalong katao, arestado sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust sa Quezon City

By Jong Manlapaz September 07, 2017 - 09:09 AM

Labingwalong katao, arestado sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust sa Quezon City Umabot sa 18 katao ang nadakip sa mga isinagawang buy bust operation sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City.

Sa datos ng QCPD, sa labingwalo na naaresto, tatlo ay pawang menor de edad.

Kabilang sa nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PCI Ferdinand Mendoza, Special Reaction Unit at PDEA-NCR matapos nilang isilbi ang search warrant sa bahay ng isang Liwayway alyas Nanay sa Brgy. Old Balara Quezon City.

Sa nasabing operayson, nasabat ang P100,000 halaga ng shabu.

Sa Masambong Police Station (PS-2) sa pamumuno ni P/Supt. Igmedio Bernaldez naaresto naman nila ang isang John Paul David, 35-anyos, sa ginawang buy bust operation sa EDSA kanto ng Roosevelt Ave., Brgy. Katipunan.

Tatlong sachet naman ang hininalang shabu ang nasabat sa operasyon.

Tatlo naman ang naaresto ng Cubao Police Station (PS-7) gayundin sa Galas Police Station (PS-11) sa magkakahiwalay na Oplan Galugad at buy bust operation.

Ang tatlong nadakip na suspek ay nakuhanan ng shabu.

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, QCPD, Radyo Inquirer, metro news, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.