4 na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 16-anyos sa Pasig, arestado na

By Mark Gene Makalalad September 07, 2017 - 08:41 AM

Hawak na ng Pasig City police ang apat na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 16-anyos na babae sa Pasig City.

Ito ang kinumpirma ni Sr. Supt Orlando Yebra, Pasig City police chief.

Ayon kay Yebra, nahuli sa isang videoke bar ang mga suspek Huwebes ng umaga.

Una rito’y natagpuan wala ng buhay sa gilid ng kalsada ang biktima na si Grace Omadlao sa Villa Esguerra Homes Nagpayong II, Barangay Pinagbuhatan noong Lunes ng umaga.

Base sa autopsy examination na isinagawa ni Dr. Marianne Ebdane ng Pasig police, lumalabas na namatay sa sakal ang biktima at may palatandaan na umano’y ginahasa ito bago pinatay.

Sasailalim naman sa interrogation ang 4 na suspek na sina John Peralta, Emanuel Manuel at sina Joel at Jomari.

 

 

 

 

TAGS: arrested, crime, grace omadlao, Pasig City, Radyo Inquirer, rape, suspects, arrested, crime, grace omadlao, Pasig City, Radyo Inquirer, rape, suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.