Pari na suspek sa child trafficking, isinailalim sa lookout bulletin
Isinailalim na ng Department of Justice sa Immigration Lookout Bulletin ang pari na si Monsignor Arnel Lagarejos na naaresto noong Hulyo matapos maaktuhan habang kasama ang isang menor de edad na babae.
Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Bureau of Immigration na imonitor ang maaring paglabas ng bansa ni Lagarejos.
Base sa kautusan, malaki ang posibilidad na maisipang lumabas ng bansa ng paring si Lagarejos upang takasan ang ligal na proseso dahil sa bigat ng reklamo laban sa kanya.
Nauna ng naghain ng reklamo ang PAO ng parehong kaso sa Regional Trial Court ng Marikina ngunit nakapagpyansa rin agad ang pari.
Sinasabing dalawang beses nang nai-book ni Lagarejos ang dalagita bago pa ito maaresto sa isang motel kung saan niya ito idinala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.