Pondo ng ibang ahensya, babawasan para sa Free Tuition ng SUCs sa 2018

By Rhommel Balasbas September 07, 2017 - 04:08 AM

 

Mangangailangan ang gobyerno ng aabot sa 51 bilyong piso para sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Free Tuition sa mga SUCs sa susunod na taon.

Dahil dito, babawasan ng Department of Budget and Management ang pondo ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ito ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang pulong balitaan sa Pasig kahapon.

Anya, meron mang pera o wala, sisikapin ng DBM na magawan ng paraan ang Free Tuition sa mga pampublikong pamantasan.

Ani Diokno, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DBM sa House appropriations and Senate finance committee para alamin kung anong mga ahensya ang dapat bawasan ng pondo.

Aabot naman anya sa 70 billion ang kakailanganing pondo ng pamahalaan sakaling ipatupad na ang full implementation nito sa 2021.

Sakop ng Free Tuition Fee Bill ang 8 SUC sa Metro Manila, 49 sa Luzon, 26 sa Visayas habang 29 naman sa Mindanao.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.