12 public schools sa Marawi, nagbukas na ulit

By Kabie Aenlle September 07, 2017 - 04:31 AM

 

Inquirer.net | Nestor Corrales

Balik-klase na ang 12 public elementary schools sa Marawi City sa kabila ng nagpapatuloy pa rin na bakbakan sa pagitan ng Maute Group at pwersa ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nagbukas na ulit ng klase ay ang Sultan Conding Elementary School, Sikap Elementary School, Cabingan Primary School, Banga Elementary School, Datu Tambak Elementary School, Rorogagus Elementary School, Bito Elementary School, Pendolonan Elementary School, Abdulazis Elementary School, Camp Bagong Amai Pakpak Central Elementary School, Sugod Elementary School, at Mipaga Elementary School.

Ayon kay Joint Task Force Marawi commander Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista, tinatapos na nila ang bakbakan na nililimita na lang nila sa main battle area sa Marawi City.

Hinihigpitan na rin aniya nila ang seguridad para maiwasan ang anumang hakbang ng terorista na maaring makaantala sa klase ng mga estudyante.

Aniya pa, isa sa mga hakbang na ginagawa ng mga pwersa ng pamahalaan at lokal na gobyerno, ay ang ibalik sa normal ang lungsod.

Noong August 22 lang ay 600 na estudyante mula sa Iligan City campus ng Mindanao State University ang dinala sa campus nito sa Marawi City dahil sa muling pagbubukas ng klase.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.