Pinagtataguan ni Isnilon Hapilon, binomba ng AFP

By Kabie Aenlle September 07, 2017 - 04:31 AM

 

File photo

Gamit ang FA-50 fighter jets, binobomba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lugar na pinagtataguan ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, malaking pag-usad ito sa kanilang tactical operations dahil mas makakalapit pa ang tropa ng gobyerno.

Kumpyansa rin ang AFP na tatamaan nila ang pinagkukutaan ni Hapilon sa pamamagitan ng airstrikes.

Naniniwala rin si Brawner na makakatulong ito sa pag-supil sa mga terorista, lalo na’t tinatayang nasa 47 na terorista pa ang nakaposisyon sa paligid ng kanilang tinatarget na lugar.

Kamakailan lang ay kinumpirma ng AFP na nananatili pa rin sa loob ng Marawi City si Isnilon Hapilon, habang inanunsyo naman nila na patay na ang isa sa mga lider ng Maute terror group na si Abdullah Maute.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.