Kahit ipinagbabawal, Asec. Mocha Uson, nagsu-show pa rin sa casino

By Rhommel Balasbas September 07, 2017 - 04:27 AM

 

Mula sa Twitter

Muli na namang inulan ng batikos si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson matapos kumalat ang pictures nito na nagpeperform kasama ang kanyang girl group sa isang casino sa Parañaque City.

Ito ay labag sa Memorandum Circular No. 06 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na pumunta sa mga gambling casinos at nilagdaan noong Setyembre 20, 2016, panahong nakaupo na si Pangulong Duterte sa pwesto.

Ang performance ni Uson sa loob ng naturang casino nitong Setyembre 5 ay kinumpirma ng isang service ambassador ng establisyimento.

Isang poster din sa website ng casino ang nagpopromote sa performances ng Mocha Girls tuwing Martes ang binura na ilang oras matapos ang mga pambabatikos.

Sa poster na nakapost sa website ay kabilang si Uson.

Samantala, sinabi pamunuan ng Resorts World Manila na kasalukuyan na nilang pinapayuhan ang mga entertainment providers na sumunod sa mga batas at panuntunan ng pamahalaan.

Wala pa namang ibinibigay na pahayag si Uson at si PCOO Sec. Martin Andanar ukol sa kontrobersiya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.