Duterte, humarap sa mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz

 

Malacañang photo

Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung kaya naantala siya sa pagdalo sa 60th founding anniversary ng Social Security System sa Quezon City.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mag take over sa imbestigasyon.

Si Arnaiz ang 19-anyos na binata na suspek umano sa panghoholdap sa isang taxi driver at napatay sa operasyon ng pulis sa Caloocan City noong August 18.
Ayon sa pangulo, malinaw ang kanyang utos sa mga sundalo at pulis na patayin ang mga lumalabang kriminal subalit hindi ang mga bata o ang mga walang kalaban-labang indibidwal.

Pagtitiyak ng pangulo, itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso at ipakukulong ang mga pulis kapag napatunayang umaabuso ang mga ito sa kanilang tungkulin.

Si arnaiz ay napatay ng mga pulis dalawang araw matapos mapatay din sa police operation ang binatilyong si Kian Loyd delos Santos noong August 16 sa Caloocan City.

Nakita na rin ang bangkay ng kasamahan ni Arnaiz na si Reynaldo dela Cruz na katorse anyos lamang na may tatlumpong tama ng saksak sa katawan sa Gapan, Nueva Ecija.

Read more...