China isinusulong ang joint training sa special forces ng Pilipinas

By Chona Yu September 07, 2017 - 04:04 AM

 

Isinulong ni Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na magkaroon ng joint training ang special forces ng China at Pilipinas kontra terorismo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, ipinaabot ni Zhao ang plano ng China nang makipagpulong kahapon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año para iabot ang limang milyong pisong tulong ng China para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.

Sinabi pa ni Arevalo na bukas naman ang Pilipinas sa mga joint training lalo’t pandaigdigang problema ang terorismo.

Gayunman, sinabi ni Arevalo na hindi pa niya alam kung kailan maaring magsimula ang joint training pero ang tiyak ay pinagpaplanuhan na ito ngayon.

Dagdag ng opisyal, bukod sa limang milyong pisong tulong sa mga sundalo sa Marawi, nangako rin ang China na magdadagdag pa ng labing limang milyong pisong tulong bago matapos ang taong kasalukuyan.

May tatlong libong rifles pa aniya at mga sniper rifles na ibibigay ang China sa Pilipinas sa katapusan ng Setyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.