Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Kiko Miyerkules ng hapon.
Huling namataan ng PAGASA Bagyong Kiko 215 kilometers West Northwest ng Basco, Batanes.
Pero nakakaranas ng mahina hanggang katamtamang thunderstorms ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa trough ng bagyo.
Dagdag ng PAGASA, possible ang pagkidlat at baha sa mababang lugar.
Katamtaman hanggang maalon naman ang coastal waters sa Northern Luzon. Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maulap din ang panahon na may isolated thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.