Patay ang anim katao matapos sumalpok ang sinasakyang Mitsubishi Adventure sa isang truck ng cement mixer sa Maharlika Highway, Davao City.
Ayon kay PO3 Danny Nicor ng Davao City Police Office, dead on the spot ang mga biktimang sina Jacinto Salera Yamomo, Presentacion Pilapil Yamomo, Jeofrey Pilapil Yamomo, Jovencia Parantar Pilapil, Fe Pilapil, at Victoria Pilapil Ogahayon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang Mitsubishi Adventure ang lumabas sa kanyang linya at sumalpok sa truck ng cement mixer.
Nasa kostudiya na ng pulis ang drayber ng truck na si Jaime Trazona na kusang sumuko matapos ang aksidente.
Nakatakdang kasuhan si Trazona ng Reckless imprudence resulting to multiple homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.