Bagyong Kiko, lalakas pa habang palabas ng bansa; tropical cyclone warning signals, inalis na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2017 - 11:57 AM

Inaasahang lalakas pa ang tropical depression Kiko at magiging isang tropical storm habang papalayo ng bansa o sa susunod na 24-oras.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 115 kilometers West ng Basco, Batanes.

Bahagya na itong lumakas at taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ayon sa PAGASA, papalayo na ito ng bansa kaya inalis na ang umiiral na tropical cyclone warning signals sa ilang lalawigan.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: KikoPH, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, KikoPH, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.