Partial opening ng subway system sa Metro Manila, isasagawa bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

Target ng pamahalaan na mabuksan ‘partially’ ang kauna-unahang subway system sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ang subway system na itatayo sa Metro Manila ay nagkakahalaga ng $5 billion.

Sa 2024 ang itinakdang schedule para makumpleto ang nasabing proyekto na babagtas mula Quezon City hanggang sa Taguig City.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, titiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na nasa likod ng proyekto na mabubuksan ang 10 hanggang 12 istasyon ng subway sa panahon ng termino ni Pangulong Duterte.

Bago matapos ang 2019 o sa simula ng 2020 uumpisahan ang konstruksyon ng subway.

Isa ito sa major projects sa ilalim ng “Dutertenomics” kung saan target ng pamahalaan na makapagbuo ng aabot sa hanggang P8 trillion na halaga ng mga bagong railways, roads at airports.

 

 

 

 

Read more...