MNLF founding chairman Nur Misuari, idedepensa ang sarili sa Sandiganbayan
Ipagtatanggol ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari ang kanyang sarili laban sa kanyang arrest warrant para sa katiwalian.
Ayon kay MNLF spokesperson Rev. Absalom Cerveza, maaaring gawin ng gobyerno kung ano ang kanilang gusto, pero gagawin din ni Misuari kung ano ang kaya niyang gawin para ipagtanggol ang sarili.
Si Misuari, ay mayroong isa pang standing warrant of arrest matapos pangunahan ang Zamboanga siege noong 2013 kung saan aabot sa dalawangdaan katao ang nasawi.
Noong August 2016, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang arrest warrant laban kay Misuari dahil sa kahandaan ng lider na tumulong sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro groups sa Mindanao.
Kahapon, kinakitaan ng sapat na basehan ng Sandiganbayan anti-graft court na kasuhan si Misuari ng graft at malversation ukol sa pagbili ng P115.2 million na textbooks noong 2000 at 2001.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.