5 patay sa aksidente sa Kawit, Cavite

Patay ang lima katao habang labing dalawa ang sugatan sa aksidente sa kalsada sa Kawit, Cavite umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Kawit Chief Insp. Jeffrey Punzalan, ilan sa mga pasahero ay naipit pa sa loob ng jeepney.

Naisugod na aniya sa ospital ang labing dalawang nasugatan sa insidente.

Paliwanag ni Punzalan, ang road crash ay isang “self-accident” na naganap pasado alas sais ng umaga sa Centennial Highway sa Kawit.

Bumangga aniya ang jeepney sa isang poste at walang sangkot na iba pang sasakyan.

Ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya ang naturang aksidente.

 

 

 

 

 

Read more...