10 miyembro ng BIFF napatay sa airstrike sa Maguindanao
Sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay matapos magsagawa ng sunod-sunod na airstrike ang joint task force central ng militar sa Barangay Tee, Datu Salino, Maguindanao.
Ayon kay joint task force central commander, Major Gen. Arnel Dela Vaga, isinagawa ang mga airstrike para masupil ang mga pinagkukutaan ng mga terorista at matigil ang pagtatanim nila ng improvised explosive device.
Layon din nitong maawat ang patuloy na pag-recruit ng mga bagong miyembro ng BIFF.
Samantala, dalawang miyembro pa ng Bangsamoro Islamic Armed Forcer-Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILFf) ang nasawi sa engkwentro.
Nakilala ang dalawang nasawi na sina Butukan Bungayen alyas Mantukan Bungayen at Jojo Sampayan.
Dahil dito, tiniyak ng AFP ang magpapatuloy ang pinalakas na opensiba kontra terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.