LOOK: Class suspension ngayong araw ng Miyerkules, Sept. 6, 2017
Walang pasok ngayong araw mula pre-school hanggang senior high school sa public at private sa lalawigan ng Cagayan.
Sinuspinde ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang klase base sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office (PDRRMO).
Inaasahan kasing uulalinin pa rin ang lalawigan ngayong araw dahil sa bagyong Kiko.
Samantala, sa Batanes at Babuyan Group of Island na parehong nakataas ang signal number 1 ay walang pasok sa pre-school base sa guidelines ng Department of Education sa automatic suspension ng klase kapag may bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.