Bagyong Kiko, napanatili ang lakas, palabas na ng bansa mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2017 - 06:34 AM

Napanatili ng Bagyong Kiko ang lakas nito habang tinatawid ang Balintang Channel.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 95 kilometers West ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Nananatiling nakasailalim sa public storm warning signal number 1 ang Batanes at Babuyan Group of Island.

Ayon sa PAGASA, mamayang gabi ay lalabas na ng bansa ang bagyo.

Ngayong araw, ang Ilocos Region at mga lalawigan ng Batanes at Zambales ay makararanas ng pag-ulan na may malakas na hangin. Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa flash floods sa mga low-lying areas at landslides.

Sa Ilocos Norte naman at Ilocos Sur, light hanggang moderate nap ag-ulan ang aasahan habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay isolated rainshowers lamang ang iiral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: KikoPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, Weather in Philippines, KikoPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.