Med student, pinatay umano sa Sta. Rosa, Laguna

By Jay Dones September 06, 2015 - 11:25 AM

 

inquirer file photo

Natagpuang patay ang pamangkin ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs sa loob ng kanyang tinitirhang apartment sa Sta. Rosa Laguna. Sabado ng hapon.

Tadtad ng saksak sa katawan, nakahubad at duguan nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Paulo Miguel Catalla, 27 anyos, isang medical student sa loob ng kanyang bahay sa Labrador Subdivision Bgy. Tagapo, Sta. Rosa City.

Ayon kay Superintendent Reynaldo Maclang, hepe ng Sta. Rosa City Police, ang biktima ay pamangkin ni Philippine Consul General to Hongkong Bernardita Catalla.

Gayunman, kahit pamangkin lamang, itinuturing umano ito ng Consul General bilang isang tunay na anak.

Naaresto naman ang suspek sa krimen na nakilala sa pangalang Jun Francis Bertulazo, 19 taong gulang, estudyante ng Polytechnic University of the Philippines-Sta. Rosa.

Batay sa hawak na CCTV recording ng mga otoridad, magkasabay na pumasok ng kanyang apartment si Catalla at ang suspek na si Bertulazo, Biyernes ng gabi.

Gayunman, Biyernes ng madaling-araw nakita sa video na mag-isa nang lumabas ang suspek mula sa apartment na may bitbit ng bag.

Nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima ng bestfriend nito na duguan at wala ng buhay.

Nakatakdang kasuhan ng robbery with homicide ang naarestong si Bertulazo.

 

TAGS: med student killed in laguna, med student killed in laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.