Iloilo City Mayor Jed Mabilog, hindi tumakas ayon sa tagapagsalita

 

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ng tagapagsalita ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na tumakas ito patungong Japan kung saan namumuhay ito nang marangya tulad ng sinasabi ni Pangulong Duterte.

Gayunman, marami na kasing kumakalat na usap-usapan sa Iloilo City na umalis na ang misis ni Mabilog na si Marivic pati na ang kanilang dalawa sa lungsod, o kaya ay nakalabas na ang mga ito ng bansa.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Atty. Mark Piad, umalis si Mabilog patungong Yokohama City sa Japan para sa isang official trip.

Dumalo aniya ito sa conference ng CityNet na isang regional network ng mga lungsod at organisasyong naka-gocus sa sustainable urban development.

Nakatakdang bumalik si Mabilog mula sa Japan ngayong araw, ngunit posibleng magkaroon aniya ng adjustments sa schedule nito dahil may mga potential investors at Ilonggos sa Japan na nais makapulong ang alkalde.

Aniya, posible itong tumagal lang ng isa o dalawang araw, pero wala pag pinal na update tungkol dito.

Read more...