BBL, “high priority” pa rin sa Duterte admin

By Kabie Aenlle September 06, 2017 - 04:21 AM

 

Tiniyak ng Malacañang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nananatiling “high priority” ng administrasyong Duterte ang pagsasabatas sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itinuturing ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “high priority” at mahalaga para sa kinabukasan ng Mindanao at ng buong bansa.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte rin ay nagbigay ng katiyakan na susuportahan at babantayan niya ang BBL hanggang sa maipasa ito sa Kongreso.

Ayon pa sa pangulo, sinagot niya ang mga agam-agam ng mga lider ng MILF tungkol sa estado ng BBL sa Kongreso.

“I said that I hope the BBL would pass Congress. I said that I will husband it,” ani Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.