US, tiniyak na maibabalik ang Balangiga Bells

By Rhommel Balasbas September 06, 2017 - 04:07 AM

 

Kinumpirma ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na kasalukuyan nang pinag-uusapan ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos ang proseso ng pagbabalik ng kontrobersyal na “Balangiga Bells”.

Sa panayam sa US Embassy kahapon, sinabi ni Kim na handa ang US na ibalik ang mganaturang kampana, ngunit hindi pa nga lang tiyak kung kailan ito mangyayari.

Ani Kim, ang pagbabalik ng mga kampana ay ang pinakatamang gawin, ngunit hindi anya ito madaling isakatuparan.

Marami pa aniyang isyu na kailangang resolbahin sa US upang maibalik ang naturang bells sa lalong madaling panahon.

Matatandaang sa pinakahuling SONA ng Pangulo, sinabihan nito ang Estados Unidos na ibalik ang Balangiga Bells dahil ito ay bahagi anya ng “national heritage”.

Sa kasalukuyan, ang dalawa sa mga kampana ay nakadisplay sa F.E Warren Air Force sa Cheyenne, Wyoming habang ang isa ay nasa South Korea.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.