Problema ni Paolo Duterte sa Customs, ayaw nang pakialaman ng pangulo

By Kabie Aenlle September 06, 2017 - 04:24 AM

 

Ayaw nang makialam pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyang kinakaharap ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kaugnay ng anomalya sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa presidente, malaki na ang kaniyang anak at may sarili itong abogado para ipagtanggol siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagkakalusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BOC.

Nasa tamang edad na rin aniya ang bise alkalde para malaman kung ano ang dapat gawin at paano haharapin ang kaniyang problema.

Gayunman, pinayuhan niya si Paolo at ang manugang na si Atty. Manases Carpio na pumunta na lang sa pagdinig kung wala naman silang kasalanan.

Umiiwas na rin si Duterte na magbigay ng kaniyang “expectations” sa kung anong mapapala ng publiko kay Paolo at Carpio dahil doon magsisimula ang spekulasyon sa media, kaya dapat siyang maging maingat.

Hindi na rin aniya siya nagbibigay ng spekulasyon at advice sa kaniyang anak basta’t sinabi lang niya na “Kung wala ka talagang kasalanan, ‘bat hindi ka pumunta doon?”

Matatandaang inimbitahan na ng Senado sina Paolo at Carpio sa pagdinig tungkol sa isyu sa Customs, sa kabila ng pag-abswelto sa kanila ni customs broker Mark Taguba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.