Live-fire drills ng China sa South China Sea, kinondena ng Vietnam

By Kabie Aenlle September 06, 2017 - 04:17 AM

 

Mariing kinondena ng Vietnam ang isinagawang live-fire exercises ng Chinese military sa pinag-aagawag teritoryo sa South China Sea.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Maritime Safety Administration ng Hainan province sa China na nagbabantay sa South China Sea na magsasagawa sila ng live fire drills sa paligid ng Paracel Islands hanggang September 2.

Ayon kay Vietnam Foreign Ministry spokeswoman Le Thi Thu Hang, mariin nilang tinututulan ang ganitong aksyon ng China, kasabay ng seryosong pakikiusap sa bansa na igalang ang soberenya ng Vietnam sa Hoang Sa o Paracel archipelagos.

Aniya pa, pinoprotektahan nila ang kanilang soberenya at lehitimong karapatan at interes sa terirotyong ito sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan na pasok sa international laws.

Dahil dito, lalong umiigting ang mainit nang tensyon sa pagitan ng China at Vietnam.

Noong Hulyo, sinuspinde ng Vietnam ang oil drilling sa offshore waters na inaangkin rin ng China dahil na rin sa pressure mula sa Beijing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.